Isang banggaan ang naganap pasado alas-9:00 ng umaga ngayong linggo sa bahagi ng Sitio Tiwayan, Brgy. Badiangon, Arakan, North Cotabato matapos umanong makaiwas sa nakabilad na mais sa sementadong daan.

Sangkot sa insidente ang isang Toyota Pick-up at isang CRF single motor. Sugatan ang drayber ng motorsiklo na kinilalang si Jefferson M. Cornejo, 21 anyos, residente ng Brgy. Poblacion, Lungsod ng Kidapawan.

Samantala, ligtas at nasa maayos nang kalagayan ang hindi pa nakikilalang drayber ng Toyota Pick-up.