Itinalaga bilang bagong Deputy Floor Leader ng Bangsamoro Transition Authority Parliament si Member of Parliament Atty. Suharto M. Ambolodto, MNSA.

Bukod sa kanyang bagong tungkulin sa pamunuan ng BTA Parliament, si MP Ambolodto ay kasalukuyang Vice Chair ng Committee on Rules at Chair ng Committee on Bangsamoro Justice System.

Isa rin siya sa mga miyembro ng iba’t ibang komite ng Bangsamoro Parliament kabilang ang Committee on Public Order and Safety, Committee on Local Government, Committee on Health, Committee on Basic, Higher and Technical Education, gayundin ang Committee on Trade, Investment and Tourism.

Inaasahang makatutulong ang kanyang karanasan at kaalaman sa larangan ng batas at pamamahala upang higit pang mapalakas ang paggawa ng mga panukalang batas at mga repormang makikinabang ang Bangsamoro Autonomous Region.