Namahagi kahapon ang opisina ni MP Jamel Macacua ng hygiene and dignity kits para sa isandaan limamput tatlo (153) na mga Persons Deprived of Liberty o PDL sa BJMP – Cotabato City Jail Male Dormitory.
Katuwang din ng opisina ni MP Jamel ang Ministry of Public Order and Safety BARMM sa nasabing proyekto.
Ayon sa ministro na anak ni Maguindanao Norte Governor Sammy Almansoor Macacua, isa sa mga dahilan kung bakit naisipan nito ang nasabing proyekto ay upang maipadama sa mga PDL na di isa nagiisa sa kanilang sitwasyon at upang ipadama rin sa mga ito na kaisa pa rin sila ng pamahalaan sa kanilang pagbabagong buhay sa hinaharap.