Maging responsable sa mga inilalabas na pahayag at iwasang magbanggit ng kaibahan ng bawat kandidato.

Ito ang sinabi ni Minister of Parliament Dr. Romeo K. Sema sa naging pagtatapos ng filing ng COC noong nakaraang linggo.

Ayon sa mambabatas, ang pagiging maingat at responsable sa bawat sasabihing salita ay simbolo ng kapayapaan at hangad na katahimikan sa panahon ng halalan.

Ayon pa kay MP Sema, nagdudulot kasi ng kalituhan sa publiko at di pagkakaunawaan ang mga iresponsableng pahayag o mga nasasambit hinggil sa kaibahan ng bawat kandidato at ito pa umano ang dahilan ng matinding gulo na nauuwi pa sa malalang pangyayari gaya ng patayan.

Kaya nanawagan si Sema na maging responsable, maging maingat at maging mapag-obserba ang bawat isa sa mga bibitawan nitong salita sa kapwa kandidato o sa kapwa man nito tagasuporta.