Sa gitna ng patuloy na pagbabantay sa mga kaso ng nakahahawang sakit, muling nagpaalala ang City Health Office sa publiko ukol sa kahalagahan ng tamang impormasyon lalo na’t may pagkakapareho sa sintomas ang Mpox (Monkeypox), Chickenpox (Bulutong Tubig), at Measles (Tigdas).
Bagama’t lahat ng tatlong sakit ay may lagnat at pantal, magkaiba ang kanilang pinagmulan, paraan ng pagkalat, at mga pangunahing sintomas.
Narito ang pagkukumpara batay sa lagnat, anyo ng paltos, bilis ng pag-usbong ng pantal, lokasyon ng pantal, kalagayan ng kulani, at death rate:
𝐌𝐏𝐎𝐗 (𝐌𝐨𝐧𝐤𝐞𝐲𝐩𝐨𝐱)
Lagnat: 1–3 araw bago lumitaw ang pantal
Anyo ng paltos: Matitibay, nakaangat na sugat
Pag-usbong ng pantal: Mabagal
Lokasyon ng pantal: Mas makapal sa mukha; nakikita rin sa palad at talampakan
Kulani: Hindi lumalaki o namamaga
Death rate (Clade II variant): Mas mababa sa 1%
𝐂𝐇𝐈𝐂𝐊𝐄𝐍𝐏𝐎𝐗 (𝐁𝐮𝐥𝐮𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐛𝐢𝐠)
Lagnat: 1–2 araw bago lumitaw ang pantal
Anyo ng paltos: Iba-iba ang laki, madalas ay pumuputok
Pag-usbong ng pantal: Mabilis
Lokasyon ng pantal: Mas makapal sa katawan; bihira sa palad at talampakan
Kulani: Lumalaki o namamaga
Death rate: Bihira
𝐌𝐄𝐀𝐒𝐋𝐄𝐒 (𝐓𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬)
Lagnat: 3–5 araw bago lumitaw ang pantal
Anyo ng paltos: Wala
Pag-usbong ng pantal: Mabilis
Lokasyon ng pantal: Mas makapal sa katawan; wala sa palad at talampakan
Kulani: Paminsan-minsan lang lumalaki
Death rate: Karaniwang 1–3%
Agad na magpatingin sa pinakamalapit na health center kung nakararanas ng lagnat na sinusundan ng pantal upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit.