Dahil sa pagiging bagra ng ugali at pagkilos, tinanggalan ng Miss Grand International Organization si Thae Su Nyein ng Myanmar ng korona nito bilang ikalawang runner up title holder.
Lumabag aniya si Ms. Myanmar sa regulasyon ng pageant ng ipakita nito ang di naaangkop na ugali at pagkilos nito.
Matatandaan na matapos ang gabi ng koronasyon, naglabasan ang ibat-ibang anggulo ng mga kuhang video at litrato kay Ms. Myanmar na nagpapakita ng pagkadismaya nito sa resulta na nauwi pa sa panghahablot ng korona at sash ng kanyang direktor.