Pinangunahan ni dating MP Chief of Staff Bai Ayyah Guerra kasama ang Ministry of Social Welfare and Development- BARMM ang pamamahagi ng ayuda o relief goods sa mga dating MILF Combatants ang First Brigade ng 105th Based Command kanina.

Ito ay ginanap sa tanggapan ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office sa lumang kapitolyo ng bayan ng Sultan Kudarat sa nasabing lalawigan. Mainit namang tinanggap si Guerra ni PD PCol. Sultan Salmab Sapal.

Ayon kay Guerra, malapit sa puso nito ang mga MILF Mujahideen dahil nakasalamuha nya ang mga ito sa loob ng mahabang panahon at sa panahon pa ng pakikibaka sa kanayunan hanggang sa makamit na ang gobyernong Bangsamoro.

Dagdag pa ni Bai Ayyah, naging pangunahing kasangkapan ang mga Mujahideen para makamit ang kasalukuyang estado ng Bangsamoro kung kaya wag itong ibaon sa limot at laging maalala.

Tahasan din na sinabi nito na simula pa lamang ito ng kanyang pagtulong at magiging tulay sya ng MSSD upang maiparating sa mga Mujahideen ang ilang tulong mula sa pamahalaang BARMM.

Si Bai Ayyah ay ang amak ni MILF Central Committee For Finance at ngayon ay MPW Minister Edward Guerra.