Posible pa rin ang tinatawag na reconciliation o muling pagkakaayos ng pamilyang Mangudadatu. Ito ang tahasang sinabi ni Former Maguindanao Governor and Congressman Esmael Toto Mangudadatu nang matanong tungkol dito.
Ani Toto, kung napapagkaayos aniya nila ang ibang pamilya sa probinsya, malaki din aniya ang tsansa na muli nitong mapagayos ang pamilya Mangudadatu.
Ngunit ayon sa dating mambabatas, maaring ang panahon o oras lamang ang makakapagsabi kung kailan ito mangyayari. Sa katunayan dagdag ni Gov. Toto, ilang beses na aniya ito lumapit sa pamilya Mangudadatu ng Sultan Kudarat ngunut di sila binibigyan ng pagkakataon nitong magusap usap.
Pahayag ito ng opisyal matapos na maganap ang isinagawang rally of support ng mga tradisyonal at political leaders ng Maguindanao del Sur para kay SAP Anton Lagdameo. Kasama rin ng dating gobernador ang pamilya Midtimbang ganon na din ang ilang mga Ampatuan na ngayon ay kaalyado rin ng mga ito.