Nahulog sa Macabasa River sa bayan ng Alamada, North Cotabato ang isang multicab matapos na bumigay ang dinaanan nitong wooden bridge.

Ang nasabing tulay ay kumukunekta sa hangganan ng Purok Terenteren at Sarmento ng Barangay Upper Dado.

Wala namang casualty sa nasabing insidente ngunit pahirapang maiahon ang multicab sa nasabing ilog.