Malungkot na isinalaysay ni Rhia Mangindra sa ekslusibong panayam ng Star FM Cotabato ang dinanas ng kamag-anak nito na inanod hanggang sa ito ay matagpuan na sa bayan ng Kapatagan sa Lanao Del Norte.
Ang kanyang pinsan na si Jamelle Mama, 18 na residente ng Pikit ay apat na araw nang nawawala matapos na ito ay anurin at mapadpad sa pampang ng isang dagat sa Kapatagan.
Nakita ng asawa nito ang post sa Facebook ng 93.7 Star FM Cotabato at ng makita ang deskripisyon ng bangkay, sa relos at sa suot nitong pangibaba at itaas, kumpirmadong nakilala nito ang bangkay na si Mama.
Halos di na makilala at natabingi ang ulo, agnas na ang balat dahil sa matagal na pagkababad sa tubig, tanggal ang kanang paa ang tumambad sa kanila na bangkay ng kanyang pinsan.
Ang masaklap pa, may nakita ring saksak sa katawan nito na posibleng ginawa muna ang insidente ng pagsaksak bago ito ipaanod sa baha.Huling nakita ang buhay na si Mama sa bayan ng Pikit at nagsasagawa ito ng pagbebenta ng motor ng maganap ang insidente.
Hindi rin nito alam kung bakit napunta sa Kapatagan ang bangkay ng kanyang pinsan.
Samantala, hindi na rin maisasagawa ng pamilya ang otopsiya sa bangkay dahil sa kondisyon nito at inilibing na ngayong gabi ang bangkay, alinsunod sa tradisyong Islam.
Tiwala naman si Mangindra sa hustisya na ito ay kanilang makakamit at sa mga nakakita sa kanyang pinsan bago pa maganap ang insidente na makipagtulungan.