Naaresto ng Tacurong City Police Station ang isang 51-anyos na magsasaka mula Purok 2, Barangay Rajah Muda, Tacurong City matapos isilbi sa kanya ang Warrant of Arrest sa Bonifacio Street, Barangay Poblacion, noong Pebrero 20, 2026.
Ang nasabing warrant ay inisyu ng Sixth Judicial Region, Branch 5, Iloilo City noong Pebrero 13, 2026, kaugnay ng kaso ng Falsification by Private Individual at Use of Falsified Documents (RPC Art. 172), na may inirerekomendang piyansa na Php 72,000.00.
Agad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan ayon sa Saligang Batas. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Tacurong CPS habang hinihintay ang commitment order para sa tamang proseso ng pagdadala sa korte.

















