Naaresto ng mga awtoridad ang isang 24-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng Top 1 Provincial Most Wanted Person sa Misamis Oriental dahil sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A [1] ng Revised Penal Code, noong Nobyembre 11, 2025, sa Barangay Tabok, Lagonglong.

Dakong 7:45 ng umaga, nasakote ang suspek sa Purok 2, Barangay Tabok, Lagonglong sa pamamagitan ng operasyon ng mga tauhan ng 1001st Maneuver Company na nagsilbi ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 22 sa Cagayan de Oro City noong Oktubre 27, 2025.

Pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang karapatan at ang katangian ng kasong kinakaharap niya, gamit ang wikang pamilyar sa kanya. Dinala siya sa Lagonglong Municipal Police Station para sa tamang disposisyon. Walang piyansang inirekomenda para sa naturang kaso.

Ayon sa Regional Mobile Force Battalion 10 (RMFB 10), ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga wanted persons, alinsunod sa direktiba ng Acting Chief PNP PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. at sa patnubay ng Regional Director ng PRO 10.

Tiniyak ng RMFB 10 na magpapatuloy ang kanilang intelligence-driven operations upang maihatid ang hustisya at mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa batas.