Agad ring nakalabas sa kulungan ang Nabalawag SGA OIC Mayor na si Anwar Saluwang at tatlo nitong eskort na napaulat na naharang ng mga kapulisan sa isang checkpoint sa Toril sa lungsod ng Davao dahil umano sa dala-dala nitong baril at armas sa kabila ng umiiral na COMELEC Gunban.
Ayon sa legal counsel nito na si Atty. Allanudin Hassan, hindi tinanggap ng piskalya ang inihaing reklamo ng kapulisan sa kanila dahil sa teknikalidad nito na maaring ibasura ng piskalya at madismiss sa korte.
Matatandaan na noong nakaraang Lunes, naaresto ng Task Force Davao sa Toril ng nasabing lungsod sina Saluwang at tatlo nitong eskort matapos itong makuhanan ng mga baril at bala.
Ayon sa alkalde, ngayon na napatunayang hindi sya nagkasala at hindi tinanggap ng piskalya ang reklamo ng kapulisan laban sa kanya, tuloy ito sa serbisyo at hindi ito lubos na makaapekto aniya sa kanyang over all performance bilang alkalde ng bayan.