Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways ang pagaayos sa nadamage na aspalto sa Panguil Bay Bridge sa bahagi ng Northern Mindanao, sa pagkumpirma nito.

Nagsimula ang pagsasaayos ng tulay noong Disyembre 1, Linggo at natapos noong Disyembre 2 Lunes, ang tulay ng Panguil Bay ay may haba na tatlo punto labing pito (3.17) kilometro at ito ay kumukonekta sa Tangub City Misamis Occidental hanggang sa Tubod sa lalawigan ng Lanao Norre.

Ayon kay Department of Public Works Senior USec Emil Sadain, nasira ang aspalto ng tulay dahil sa makailang ulit na paglabag ng mga sobrang bigat na trak sa 30 kilometrong kapasidad ng tulay.

Ayon sa opisyal, walang dagdag gastos ang gobyerno sa pagaayos ng nasabing damage dahil sa direktiba nito sa mga kontraktor ng tulay at naglagay na rin aniya ang ahensya ng portable weighing scales sa magkabilang dulo ng tulay upang maiwasan ang karagdagang pinsala dito.

Mahalaga umano ayon sa ahensya ang enforcement o pagbabantay sa nasabing tulay upang di ito tuluyang masira dahil sa mga sobrang bigat na truck.