Binaril na, pinagnakawan pa. Ito ang karumaldumal na sinapit ng biktima na mula pa sa bayan ng Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur matapos itong pagbabarilin habang naglalako ng paninda nitong isda sa bayan ng Lambayong sa lalawigan ng Sultan Kudarat, hapon ng Lunes, Oktobre 6.
Kinilala ang pobreng biktima na si Bapa Masla na taga Tugal sa bayan ng Sultan Sa Barongis, Sultan Kudarat.
Agad naman na naisugod sa pagamutan ng mga nakakita at ng operatiba ang biktima matapos ang pamamaslang.
Batay sa ulat, motibo ng pag nanakaw o holdup ang sanhi ng nasabing pamamaril dahil nawawala ang pera nito.
Patuloy naman sa imbestigasyon ang Lambayong PNP sa nasabing krimen.