Naharang ng mga kapulisan ngayong umaga, Marso 25 2026, sa isang checkpoint sa Barangay Sarmiento ang isang gray na minivan na naglalaman ng mga kargang pinaghihinalaang smuggled na sigarilyo.
Ayon sa ulat, makikita sa larawan ang daan-daang reams ng sigarilyo na isinakay sa minivan na may plakang KBA 4002. Kasalukuyang isinasagawa ng mga awtoridad ang imbentaryo at dokumentasyon ng nasabat na kargamento para sa tamang disposisyon.
Patuloy na binabantayan ng kapulisan ang insidente habang iniimbestigahan ang pinagmulan ng mga iligal na sigarilyo upang makasuhan ang mga responsable sa paglabag sa batas.

















