Dalawang katao patay at isang ang kritikal matapos aksidenteng nahulog sa fuel tank ng kanilang pinagtatrabahuang gasolinahan sa Zamboanga City nitong araw ng Myerkules.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jomar Kajid, 30 anyos, tubong Cagayan de Oro City, Joel Dungog, 34 anyos, residente ng Brgy. Sangali at habang patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang kinilalang si Jonas Calderon, 23 anyos, binata residente ng Brgy. Sangali.

Base sa report, naglilinis ng fuel tank ang bitkimang si Calderon ng aksidente siyang nahulog sa loob ng tangke, ngunit agad namang nakahingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan, sa kasagsagan ng pagrescue dito ay nahulog din sina Kajid at Dungog na syang tumulong kay Calderon matapos na mawalan ng balansi.

Nadala naman agad ang mga biktima sa malapit na pagamutan pero ideneklarang dead on arrival sina Kajid at Dungog.
Kaugnay nito, lumalabas na Accidental Suffocation ang naging dahilan ng pagkasawi ng dalawang biktima.