Isang malawakang operasyon ang ikinasa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) matapos matuklasan ang libo-libong kahon ng ipinagbabawal na sigarilyo na nakabaon sa lupa sa isang liblib na lugar sa Barangay Gumagadong Calawag, bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.

Ayon sa mga awtoridad, mahigit 2,000 kahon ng smuggled cigarettes ang patuloy na hinuhukay sa lugar, na pinaniniwalaang sinadyang ilibing upang maiwasan ang pagkakatuklas ng mga otoridad.

Patuloy ang koordinasyon ng PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa mas pinalawak na imbestigasyon at upang mapanagot ang mga nasa likod ng operasyon ng smuggling sa lugar.