Isa sa mga nasawi sa malagim na aksidente sa Makilala Cotabato kamakalawa, nawawalan ng dala na pera ayon sa mga kaanak nito
Ito ang nakapanlulumong eksena ng isa sa mga nasawi sa malagim na aksidente na naganap sa Malasila, Makilala North Cotabato kamakalawa.
Ayon sa mga kaanak ni Carlos Dejuco na taga Kidapawan City, bago pa man ito nasawi ay may dala itong cash at ito ay nawawala matapos ang insidente.
Sa panayam ng Star FM Cotabato News Team sa mga kaanak nito, aabot sa 60 thousand pesos na cash ang nawawala sa napatay na biktima.
Hindi aniya ito personal funds o sariling pera ng biktima dahil ito ay pera ng kanilang kapunungan o organisasyon na ipinagkatiwala sa nasawi.
Maliban sa problema sa gastos sa burol at kakailanganin sa pagpapalibing, problema na rin ngayon ng pamilya ang pagbabalik ng nawalang pera sa biktima na ipinagkatiwala dito ng Kapunungan.
Dahil dito, nananawagan ang pamilya na kung may nakapulot ng nasabing halaga ay wag mag-atubiling isauli ito sa kanila, sa barangay officials o maging sa pulisya ng bayan ng Makilala.