Nilinaw ng mga autoridad na anim at hindi pito ang kumpirmadong nasawi sa kapangi-pangilabot na aksidente ngayong araw sa bayan ng Makilala partikular sa lugar ng Malasila.

Nauna kasing naiulat ng mga opisyal sa lugar na pito ang napatay sa aksidente dahil sa nahati umano ang katawan ng isa na nagulungan ng truck.

Sa pagaakala na katawan rin ito, naibilang ito sa casualties na itinama naman ng naturang mga opisyal.

Nakumpirma din na ang nanay ng kinder student na si Jeremiah Pamplona ang katawan na nahati.

Nasa punerarya na ngayon ang mga bangkay base sa paguulat ng mga otoridad.