Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Ginang Angelica Yulo, ang ina ng ngayon ay Olympic Gold Medalist na si Carlos Edriel Yulo, ginagawa lang nito ang nararapat upang hindi maubos ang pera na pinagpaguran ng kanyang anak sa pagiging atleta.

Ang naging paliwanag sa naging Exclusive Interview ng Bombo Radyo Philippines ay bunsod ng kumalat na issue ng paglulustay umano ng ina nito sa pera ng naturang atleta ng walang permiso dito.

Ayon sa ina ng atleta, para rin naman sa anak ang ginawa nito kung kaya’t nagpatayo ito ng bahay gamit ang pera na nakuha ng atleta.

Nilinaw din nito na ang pumapasok sa kanyang pera na galing sa atleta ay kanyang sinisinop sa maayos na pamamaraan.

Binanatan din nito ang Girlfriend ng gold medalist na di umano ay umuubos sa anak nito.

Iginiit naman nito na di nila ninakaw ang pera ng kanilang anak at wala silang ninakaw dito.

Nang mahingian naman ng huling mensahe ng Bombo Radyo News Team si Gng. Yulo para sa kanyang anak na nag Gold, wala itong tugon bagkus iniba pa ang usapan nito.

Samantala, naging determinasyon kay Caloy ang naging pagkatalo nito kung kaya’t nakuha nito ang inaasam na ginto.

Sa ekslusibong panayam sa mismong ama ni Caloy na si Andrew Yulo, sinabi nito na pinatotohanan ni Caloy ang kanyang pagbabalik ng malakas matapos matalo ito noong nakaraang laban.

Nang matanong naman hinggil sa hidwaan nila ng ina, sinabi nito na sana ay magkaayos na sila at wala naman itong hinihiling na iba kundi ang mabuo ang kanilang pamilya.