Napabayaang bentilador ang itinuturong sanhi ng pagkakatupok sa apoy ng isang bahay na gawa sa light na materyales sa bahagi ng Barangay RH6, Krislamville sa siyudad ng Cotabato kahapon.

Ito ang naging pahayag at pagkumpirma ni Cotabato City BFP Spokesperson FO2 Anthony Henilo ng matanong ito hinggil sa pinagmulan ng sunog.

Ang bahay na nasunog sa lugar ay pagmamay-ari ng alyas Orly na kung saan, aabot sa 10,000 ang halaga ng danyos perwisios na tinala ng sunog.

Ang sunog na ito sa RH 6 ay ikalawa na sa lungsod na naganap kahapon, ang una ay sa Poblacion 7.