Isinagawa ng tracker team ng CCPO-Police Station No. 1 ang pagpapatupad ng warrant of arrest laban sa isang lalaki, 32 anyos, may asawa at magsasaka, na residente ng Purok Bailaga, Poblacion 8, Cotabato City, bandang alas-8:18 ng gabi noong Enero 22, 2026.
Pinangunahan ang operasyon ni PMAJ Teofisto R. Ferrer Jr., Station Commander ng Police Station No. 1, katuwang ang CCPO-CIU na pinamumunuan ni PMAJ Elexon V. Bona, sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL Jude Marlon Del Carmen, Chief CIU ng CCPO. Kasama rin sa operasyon ang CCPO-CMFC sa pamumuno ni PLTCOL John Vincent F. Bravo, Force Commander ng 1404th A RMC, RMFB 14-A, at ang RIU 15.
Ang nasabing warrant ay bahagi ng koordinadong hakbang ng kapulisan laban sa mga personalidad na may outstanding na kaso sa lungsod, partikular sa Top 4 City Level at Top 1 Municipal Level Stations 2 PROBAR.
Ang nahuling lalaki ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan para sa kaukulang proseso alinsunod sa batas.

















