Hati ang pananaw ng publiko sa kumakalat na mga larawan ni First Lady Liza Marcos, na pinaghihinalaang edited o lumang litrato upang palabasing nasa bansa na siya.
Ayon sa ilang netizens, naniniwala silang wala pa sa Pilipinas ang unang ginang, at ginagamit lamang ang mga lumang larawan upang itanggi ito.
May ilan namang nagsasabing ito ay paninira lamang sa administrasyon.
Dahil dito, nananawagan ang ilang mamamayan na magkaroon ng live interview o public appearance si First Lady Liza Marcos upang patunayan ang kanyang presensya sa bansa.
Samantala, ang iba namang netizens ay nananatiling neutral sa isyu, ipinauubaya sa Malacañang ang pagpapaliwanag hinggil dito.
Matatandaang hinamon ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga nagpapakalat ng umano’y edited na larawan na patunayan ang kanilang alegasyon.