Kumpirmado sa isinagawang DNA analysis na ang nasagip na buwaya sa bahagi ng Barangay Kawas sa bayan ng Alabel Sarangani noong Pebrero 26, 2025 ay isang migranteng salt water crocosule na nagmula sa bahagi ng Tawi-Tawi at Palawan.

Ang naturang buwaya na pinangalanang REDEN ay isang 7.5 foot male saltwater crocodile o may siyentipikong pangalan na Crocodylus porosus ay natukoy na may kaugnayan sa populasyon ng mga kauri nitong buwaya sa Puerto Princesa, Quezon, Rizal, Sofronio Española, Brookes Point at Mangsee Islands sa Palawan at sa South Ubian sa Tawi-Tawi.

Ayon sa mga tuminging eksperto kay Reden, posible aniyang napadpad ito sa Sarangani Bay Protected Seascape o SBPS dahil sa saganang pagkain at maayos na ecosystem nito.

Nagpatunay naman si Reden sa koneksyon ng mga buwaya sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Sa ngayon, si Reden ay nasa pangangalaga na ng isang DENR authorized rescue and breeding facility sa Davao City upang masubaybayan ang kalusugan at kaligtasan nito.