WALANG nakakadaang kahit anong uri ng mga sasakyan sa kahabaan ng Sitio Campo Uno sa Bugasan Sur sa Bayan ng Matanog, Maguindanao Norte. Ito ay dahil sa hindi pa naisasa-ayos ang mga nag-si tumbahang poste sa biglang pagbaha sa lugar kahapon.

Pahirapang lumabas maging ang nga tao na residente dahil sa mga nakaharang na poste sa daan.  Sa salaysay ng nakasaksi na si Musawer Omar, alas tres ng hapon kahapon ng umulan ng malakas na tumagak hanggang kinagabihan. 

Aniya, biglang umapaw ang tubig patungo sa mga kabahayan sa lugar sanhi upang tangayin ang mga tao maging ang mga kabahayan. Limang katao naman ang nasawi sa nasabing trahedya, tatlo ang nakita na at dalawa pa ang hinahanap na bangkay.

Dahil dito, nanawagan ngayon ang mga residente ng sitio  na sana ay matulungan sila na marespondehan upang hindi na maulit ang ganitong trahedya.

Samantala, sa katabing bayan ng Kapatagan sa Lanao Del Sur, PITUMPO’T WALONG kabahayan ang napinsala,  dalawa naman ang patuloy pang pinaghahanap at isa na ang compirmadong nasawi dahil din sa biglaang pagbaha o flashfloods.