Tuluyang nang sumuko sa militar ang natitirang apat (4) na miyembro ng teroristang grupo na Abu Sayyaf sa Basilan kasabay ngpagsuko ng mga ito sa kanilang mga armas nitong Huwebes. December 26, 2024
Kinumpirma ni Lt. Gen. Roy Galido, commander ng Philippine Army at ni Western Mindanao Command (WESTMINCOM) Acting Chief & 6TH Infantry “Kampilan” Division Commander Maj. Gen. Antonio Nafarrete ang sabay-sabay na pagsuko ng mga magkakamag-anak na sina Abul Bayali, Tawakkal Bayali, at Hasib Tularan.
Sa kabuuang tala, mahigit 400 na mga miyembro ng Abu Sayyaf ang matagumpay na napasuko ng militar at kapulisan.