Patuloy ang malawakang paghahanap ng mga awtoridad sa isang maliit na commercial jet na may sakay na 15 pasahero matapos itong nawalan ng radar sa Colombia.
Ang Satena Flight NSE 8849 ay nakatakdang bumiyahe mula Cucuta patungong Ocana, subalit nawala ang komunikasyon at radar tracking ng alas-11:54 ng umaga. Dapat sanang lumapag ang eroplano bandang alas-12:05 ng hapon, ngunit nawawala ito sa Catatumbo region, isang bulubunduking lugar sa hangganan ng Colombia at Venezuela.
Batay sa impormasyon, ang Beechcraft 1900 na may rehistrong HK-4709 at ino-operate ng SEARCA ay may sakay na 13 pasahero at dalawang crew members. Patuloy na nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad upang masubaybayan ang posibleng kinaroroonan ng eroplano at tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng sakay.

















