Isang panibagong bangkay na naman ang nadiskubre ng mga otoridad mula sa isang bakanteng lote sa Brgy. Cawit Zone 7, Zamboanga City noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Albar, 21-anyos, binate at residente ng Brgy. Cawit Zone 6, Zamboanga City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, inireport umano ng isang residente sa barangay ang isang masangsang na amoy sa may bakanteng lote at nang puntahan ng mga awtoridad ay natagpuan ang isang bangkay na ibinaon sa lupa at may takip na banig.

Agad naman nakilala ng kanyang mga kaanak ang biktima dahil sa suot nitong short at damit pang-itaas na syang suot nito nung umalis.

Nabatid na nitong araw pa ng sabado umalis ang biktima at bigo nga itong makauwi sa kanila.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Zamboanga Police Station upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa krimen para mapabilis ang pagtugis rito.