Natapos na ang ilang araw na paghahanap sa isang bride-to-be matapos siyang matagpuang ligtas sa bayan ng Sison, Pangasinan.
Kinumpirma ng Quezon City Police District na natunton ang babae matapos may mag-ulat na residente na nakakita sa kanya. Agad na rumesponde ang mga pulis at isinama sa pagpunta ang kanyang nobyo at kapatid upang tiyaking siya nga ang hinahanap.
Ayon sa pulisya, naging pabago-bago ang salaysay ng babae hinggil sa kanyang pagkawala. Dahil dito, humiling ang pamilya na igalang ang kanilang pribadong sitwasyon habang inaayos ang mga susunod na hakbang.
Matatandaang huling namataan ang babae noong Disyembre 10 sa Commonwealth Avenue matapos magpaalam na bibili umano ng sapatos na gagamitin sana sa kanilang nalalapit na kasal.

















