Arestado ang isang negosyanteng kinilalang si Zacaria Guialol Bedo, 35 anyo, matapos ito masakote sa kanyang side line na pagbebenta ng iligal na droga sa Sitio Daiwan, Brgy. Tanuel, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ikinasa ang matagumpay na drug buybust operation ng pinagsanib pwersa ng Datu Odin Sinsuat, PDEU, PIU, OFC, 1st PMFC, 2nd MP 1st PMFC at 1404th RMFB 14-A.

Nasamsam ng mga operatiba sa suspek ang limang (5) heat-sealed na paketeng naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may timbang 2.4 grams na nagkakahalaga ng P16,230.

Mahaharap ang suspek sa kasong may kinalaman sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.