Tepok ang negosyante na si Rel Blanco matapos itong barilin habang sakay ng kanyang kotse kasama ang misis nito kagabi. Nangyari ang krimen sa bahagi ng Corner Quirino Avenue, Alunan Highway sa Purok 6 pasado alas sais ng gabi.

Himala na nakaligtas sa naturang pamamaril ang kanyang misis habang nagsasagawa naman ng masinsinang imbestigasyon ang mga autoridad sa insidente.