Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya matapos barilin at patayin ang isang negosyante ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap ng kanyang tindahan sa Zone 1, Purok Balunto, Brgy. Labangal, General Santos City, noong Disyembre 28, 2025.

Kinilala ang biktima na si Allan Granada, 38 taong gulang, negosyante at residente ng parehong barangay.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng limang putok ng baril, at natagpuan ang biktima nang wala nang buhay. Batay sa pahayag ng mga otoridad, posibleng selos sa negosyo ang motibo sa krimen.

Sa kasalukuyan, nag papatuloy parin ang masusing imbestigasyon ng Makar Police Station upang matukoy at madakip ang suspek.