Buwan na ng banal na ramadhan ngunit tila sinasamantala na rin ng mga negosyante ng isda sa mga pamilihan ang pagkakataon na ito.
Sa post ng isang concerned netizen, makikita na ang presyo ng bawat piraso ng dalag ay umaabot na sa P1,300.00. Nakakalula ang presyo nito kumpara sa regular na panahon o araw.
Hindi naman tinukoy kung saan partikular na pamilihan nakunan ang nasabing picture ngunit mahigpit naman na nagbabantay ang MAFAR-BARMM sa mga ulat ng abot langit na presyo ng mga seafoods maging mga isda sa merkado publiko.