Naging sentro ng nagbabagang usapin sa social media ang tila ay pagbaliktad ng paninindigan ni Lanao del Sur Congressman Zia Alonto Adiong matapos na ipahayag nito ang disgusto sa mag-amang dating pangulong Rodrigo at kasalukuyang pangalawang pangulo na si Inday Sara Duterte.
Ito ay kaugnay pa rin sa issue ng noon ay magkatambal sa Uniteam na si PBBM at VP Duterte.
Tahasan ang naging pagkundena nito sa magamang Duterte ngunit tila ipinagtatanggol naman nito ang pangulong Marcos.
Tila nadismaya ang mga netizens sa diumano ay 360 degree turn around o pagbaliktad ng mambabatas kung kaya’t binalikan at hinalukay ng mga netizens ang mga pahayag nito noong 2016 sa kanyang FB account na bumabatikos sa pamilya at mismong Pangulong Marcos na may kinalaman noon sa malawakang kawalanghiyaan noong panahon ng panunungkulan ng napatalsik na diktador.
Aniya, nagkaroon aniya ng mga usaping pangkapayapaan dahil sa marahas na pangyayari sa ilalim ng diktadura ng mga Marcos.
Binanggit nya ang samut saring mga masaker na naganap sa panahon ng diktador na si Ferdinand Sr. at nagbigay ito sa noon ay President Elect Rodrigo Duterte ng panawagan na dapat ay hingiin nito sa mga Marcos ang pagpapatawad sa mga naganap na karahasan sa mga Moro Communities sa panahon ng diktador.
Ang tanong ng ilang mga netizens na nagtaas ng kilay sa ginagawang ito ni Adiong, napatawad na ba nito si BBM at ang pamilya nito?
Si Adiong ay nakatakdang lumaban muli sa halalan sa kaparehas na posisyon, bilang isang mambabatas.