Nakiisa sa naging New Year Countdown to 2025 ang mga mamamayan ng Cotabato City kagabi ng Disyembre 31, 2024.
Ginanap ang naturang New Year Countdown sa Cotabato City People’s Palace Grounds kung saan inihanda ng City LGU ang engrandeng Fireworks display at free raffle bukod pa sa libreng banda.
Labis naman ang kagalakan ng mga organizers ng nasabing countdown dahil nairaos nila ito ng walang untoward incidents o anumang naitalang karahasan o kaguluhan.