Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Bangsamoro Parliament ang panukalang batas na nag-aalis sa opsyong “None of the Above” o NOTA sa opisyal na balota sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Naipasa ang panukala sa pamamagitan ng nominal voting kung saan 40 ang bumoto pabor, dalawa ang tumutol, at walang abstention.
Ang panukala, na kilala bilang BTA Parliament Bill No. 396, ay nag-aamyenda sa Section 14, Article VII ng Bangsamoro Autonomy Act No. 35 o Bangsamoro Electoral Code of 2023 upang tuluyang alisin ang NOTA sa proseso ng halalan sa rehiyon.
Kabilang sa mga pangunahing may-akda ng panukala sina MPs Bainton Ampatuan, Nabil Tan, Khalid Hadji Abdullah, Kitem Kadatuan Jr., Tomanda Antok, Alindatu Pagayao, Suharto Ambolodto at Hashemi Dilangalen.
Katuwang naman bilang mga co-author sina MPs Abrar Hataman, Faizal Karon, Akmad Abas, Froilyn Mendoza, Mosber Alauddin, Said Shiek, Mohammad Kelie Antao, Susana Anayatin, Romeo Sema, Amer Zaakaria Rakim, Abdulbasit Benito, Dan Asnawie, Kadil Sinolinding Jr., at Zulfikar-Ali Bayam.

















