Matapos ang matagal at intelligence-driven na manhunt operation, naaresto ang isang Top 9 Regional Level Most Wanted Person sa Esperanza, Sultan Kudarat noong Enero 16, 2026.
Ang suspek, na kilala sa alyas na “Andoy,” 21 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Poblacion, Sharif Aguak, Maguindanao del Sur, ay nahuli sa Brgy. Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat. Kasama sa operasyon ang joint personnel ng Esperanza Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, Sultan Kudarat Provincial Police Office, SKPFU, Sultan Kudarat Police Highway Patrol Team ng HPG12, PIT Sultan Kudarat, Regional Intelligence Unit 12, at PNP IG.
Base sa Warrant of Arrest, kinasuhan si Andoy sa dalawang (2) counts ng rape. Pagkatapos ng pagkakaaresto, dinala siya sa Esperanza MPS para sa dokumentasyon at kaukulang proseso ayon sa umiiral na batas.
Ayon kay PBGEN Arnold P. Ardiente, RD ng PRO 12, “Ang pagkakaaresto na ito ay patunay ng aming determinasyon na dalhin sa hustisya ang mga wanted criminals sa pamamagitan ng focused, intelligence-driven operations at matibay na pagtutulungan ng iba’t ibang yunit.”

















