Naglabas ng public advisory ang Office of the Chief Minister – BARMM kaugnay ng bagong work arrangement sa panahon ng Ramadan.
Ayon sa abiso, lahat ng tanggapan, ahensya at dibisyon sa ilalim ng OCM-BARMM ay magpapatupad ng apat na araw na onsite workweek mula Lunes hanggang Huwebes, habang Work-From-Home (WFH) naman tuwing Biyernes sa buong panahon ng Ramadhan.
Samantala, pagkatapos ng Ramadhan ay lilipat ang OCM-BARMM sa four-day compressed workweek kung saan papasok ang mga empleyado mula Lunes hanggang Huwebes, alas-7:30 ng umaga hanggang alas-6:30 ng gabi.
Ipinabatid din ng tanggapan na lahat ng transaksyon sa mga opisina ay dapat gawin lamang sa loob ng itinakdang oras ng trabaho.

















