Isinagawa ng pinagsanib na pwersa mula sa Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), Cotabato Police Provincial Office (CPPO), Special Action Force (SAF), at mga municipal police stations ng PRO-12 ang isang operasyon ng search warrant laban sa isang high-value target sa Barangay Pantar, Banisilan, Cotabato nitong martes ng umaga.

Sa nasabing operasyon, isang suspek ang nasawi matapos umano manlaban sa mga awtoridad.

Ang layunin ng operasyon ay ipatupad ang mga warrant of arrest laban sa mga indibidwal na sangkot sa ilegal na armas, pampasabog, at mga ipinagbabawal na droga. Aabot sa halos isang milyong piso ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga sa operasyon.

Ayon sa mga ulat, ilang kalalakihan din ang pansamantalang inaresto at kasalukuyang bineberipika ang kanilang mga pagkakakilanlan. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang lawak ng kanilang koneksyon sa mga ilegal na aktibidad.