Pinangunahan ng City Government of Cotabato ang Operation Baklas sa mga campaign materials na nakapaskil sa kahabaan ng Sinsuat Avenue, mula Tamontaka Bridge hanggang Quirino Bridge, alinsunod sa direktiba ni Mayor Bruce Matabalao.
Bahagi ito ng inisyatibong ibalik sa kaayusan ang lungsod kasunod ng pormal na proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa katatapos na May 2025 Elections.
Bukod dito, isinabay na rin ng lokal na pamahalaan ang malawakang clean-up drive sa iba’t ibang kalsada at pampublikong lugar gaya ng Old Market, Mega Market, at City Plaza.
Nagsagawa rin ng kani-kaniyang paglilinis ang mga barangay sa kanilang nasasakupan bilang suporta sa kampanya para sa kalinisan at kaayusan ng lungsod.