Kasabay ng pagsisimula ng campaign period para sa mga lokal na kandidato, inilunsad ng ‘multi-agency Task Force’ ang “Operation Baklas” sa Cotabato City noong Marso 28.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Philippine National Police, Philippine Marines, Forest Management Services (FMS) ng MENRE-BARMM, at ang pamahalaang lungsod.
Layunin ng operasyon ay tanggalin ang mga ilegal na campaign materials at mga posters na hindi sumusunod sa mga alituntunin ng COMELEC, bilang bahagi ng pagpapatupad ng malinis at maayos na eleksyon.
Ang operasyon ay isang hakbang para masiguro na ang mga kampanya at paghahanda para sa eleksyon ay alinsunod sa mga batas at regulasyon, at upang matiyak ang patas at malinis na botohan sa darating na halalan.
Ito ay bahagi ng utos ng Commission on Elections (COMELEC) sa ilalim ng R.A. 9006 at Resolution 11086, na naglalayong alisin ang mga hindi awtorisadong campaign materials at tiyakin ang isang malinis na electoral environment.
Ang operasyon ay kasunod ng coordination meeting na ipinatawag ni COMELEC Cotabato City Acting Election Officer Atty. Dindo Maglasang noong Marso 24.