Bumagsak sa ikinasang operasyon kontra droga ng mga otoridad ang isang umano’y operator ng drug den at pito nitong kasabwat sa Barangay Langhub, Patikul, Sulu, nitong Oktubre 2, 2025.
Pinagsanib-puwersa sa operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Sulu Provincial Office, Philippine National Police (PNP), Special Action Force (SAF), Provincial at Regional Intelligence Units, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG IX), Patikul Municipal Police Station, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at 35th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Kinilala ang mga naaresto na sina: Alias “Bating” (drug den maintainer), 35, may asawa; Alias “Jim”, 32; Alias “Nursali”, 31, may asawa; Alias “Makiki”, 37, may asawa, magsasaka; Alias “Sahiron”, 40, may asawa; Alias “Albasir”, 22, may asawa; Alias “Aljasir”, 34, may asawa; at Alias “Padih”, 23, may asawa.
Nakuha mula sa mga suspek ang sampung (10) sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na tinatayang 21 gramo at nagkakahalaga ng ₱142,800.00; buy-bust money; iba’t ibang drug paraphernalia; isang (1) pistol; tatlong (3) magazine; mga bala; at isang (1) cellphone.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Sections 5, 6, 7, 11 at 12) at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.