Nagsagawa ng pagbisita si Deputy Managing Director for the Asia and the Pacific ng European Union External Action Service na si Miss Paola Pampaloni sa punong tanggapan ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim kahapon, araw ng Huwebes.

Tinalakay ng dalawa ang mga updates at pagunlad ng prosesong pangkapayapaan sa Bangsamoro at kung paano makakatulong ang suporta ng EU sa patuloy na prosesong kapayapaan.

Kasama rin nito na dunalo sina EU Ambassador to the Philippines Massimo Santoro at iba pang mga opisyal ng EU sa pilipinas.