Dumaong na ang sinakyang sasakyang pandagat ng mga opisyales ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP na dadalo sa gaganaping Provincial Assembly para sa lalawigan ng Sulu bukas, araw ng Linggo sa Notre Dame of Jolo College (NDJC).

Inaasahan na makikiisa dito ang mga lokal na lideres, mga miyembro maging mga tagapagtaguyod ng partido sa lalawigan maging ang mga opisyal ng Partido na magsasalita ng kani kanilang mga mensahe at layunin ng partido para sa rehiyon.

Samantala, inaasahan na darating ang pinuno ng UBJP na si BARMM Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim kasama ang mga kapanalig nitong opisyales ng partido.