Walang nagawa ang mga pasaway na bata ng kumpiskahin na ng mga otoridad at tauhan ng Presinto 4 ng lungsod ng Cotabato ang kanilang mga nilalarong BOGA. Ito ay naganap kagabi sa MB Bagua sa lungsod.
Pinangaralan din ng kapulisan ang mga magulang ng nakumpiskahan ng iligal na BOGA na bantayan ang kanilang mga anak upang hindi na maulit ang paglalaro at paggawa ng home made version ng BOGA.
Ang naturang pag-iikot at pangungumpiska ng mga BOGA ng kapulisan ay parte ng Oplan Boga Program na kung saan, maliban sa mga paputok at pailaw ay mahigpit na ipinagbabawal din ang paggawa at paggamit ng BOGA.