Isinagawa ng PDEA BARMM ang Oplan Harabas: Holy Week nitong Martes, Abril 15, 2025, katuwang ang BLTO, LTFRB, Cotabato City Police, Marines, RHU-BARMM, POSO, MPOS, at Pamahalaang Lungsod ng Cotabato.
Pinangunahan ni Dir. Gil Cesario P. Castro ang aktibidad, na may layon na tiyaking ligtas at walang droga ang komunidad ngayong Semana Santa.
Idinaos ito sa mga pangunahing terminal sa Cotabato City, kung saan 75 na mga drayber at konduktor mula sa iba’t ibang transport companies ang sumailalim sa drug test at lahat ay nagnegatibo.
Nagdeploy din ng K9 units para mag-inspeksyon sa mga sasakyan at kargamento.
Namahagi ang PDEA ng babala at IEC materials bilang bahagi ng kampanyang pang-edukasyon kontra droga.
Layon ng programa na palakasin ang kampanya laban sa ilegal na droga sa transport sector at masiguro ang kaligtasan ng publiko.