Pumanaw na ang isa sa mga legends ng OPM at isa sa mga tanyag na mangaawit na si Coritha kagabi, araw ng Biyernes.

Ito ang naging kumpirmasyon ng partner ni Coritha sa TV broadcaster at vlogger na si Julius Babao. Magugunitang bedridden na si Coritha dahil sa iniinda nitong stroke at iba pang mga karamdaman.

Huli nating nasilayan si Coritha sa naging Youtube Vlog ni Babao.

Si Coritha ang nagpatanyag ng kantang “Oras Na”, ” Lolo Jose” at “Sierra Madre”.