Matapos ang naganap na armadong sagupaan sa Barangay Malinan, Kidapawan City noong October 17, 2025, agad na naglunsad ng relief operations ang Office of the Vice President-Disaster Operations Center (OVP-DOC) kasama ang OVP Southern Mindanao Satellite Office upang tulungan ang mga pamilyang sapilitang lumikas.

Kabuuang 154 na pamilya na kasalukuyang nanunuluyan sa Barangay Amas Covered Court at Sitio Balite, Barangay Malinan ang nabigyan ng agarang tulong, kabilang ang pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

Ang operasyon ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan, CSWDO, CHO, CIO, CDRRMO, AFP 72nd Infantry Battalion, at PNP Kidapawan kasama ang SWAT team—bilang bahagi ng patuloy na koordinasyon upang matiyak ang kaligtasan at kagalingan ng mga apektadong residente.