Bilang pasasalamat ng bagong P-POP Boy Group na Wrive sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tagahanga nito, nagorganisa ang fanbases ng WRIVE ng isang special at kauna-unahang fan gathering kasama ang mga miyembro ng naturang PPOP Group na sina Asi, Russu, Ishiro, Drei at Mathew.

Gaganapin ang naturang fan event sa October 27, sa Viva Cafe sa Quezon City. Ang naturang P-POP Boy Group na Wrive ay nagmula sa Global Pop Boy Group Search na Dream Maker at siyang kinagiliwan ng maraming fans sa buong bansa.

Kilala na din ang grupo sa latest songs nito na Hollywood at Color Clash na pawang patok na sa mga music streaming apps.